Eros Atalia

Mentor

Eros Atalia

May akda ng walong best-selling na aklat si Eros S. Atalia. Nakatanggap sya ng Hall of Fame sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2024), Ikatlong Gantimpala, Kategoryang Tula Para sa Bata (2024) sa parehas na award-giving body, pito mula sa Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa kanyang mga tula at sanaysay, Pandaylipi at Gawad Soc Rodrigo, naging honorary fellow sa International Writing Program of the University of Iowa, USA, noong 2016. Board member din sya Center for International PEN Philippines. Na-adapt sa Cinemalaya bilang pelikula ang ilan nyang akda. Maliban sa pagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University-Manila, nag-oorganisa rin sya ng libreng writing clinic at workshop para sa mga batang manunulat at guro. Nakatanggap sya ng Gawad Sulo, Philippine Normal University Eminent Alumni noong 2021.

COURSES BY MENTOR

Completed
August 30, 2026

Dagli: Para sa Panahong Nagmamadali

1PM to 3PM
2F Comuna bldg, 238 Pablo Ocampo Sr. Ext, Makati City, 1203, Metro Manila
Eros Atalia
Sa panahon ng mabilis na takbo ng buhay, maaari pa ring makalikha...